Asian Development Bank Warns of Property Scam Misusing ADB's name
13 December 2006
The Asian Development Bank (ADB) has become aware of a potential property scam in which the ADB is indicated as a corporation duly organized and existing under the Philippine laws and to be represented by a Mr. Norberto J. Labsan, allegedly a representative of the North East Luzon Foundation (NELFI).
ADB is neither a corporation under the law of the Philippines nor does ADB conduct real estate transactions. ADB is a multilateral development bank owned by 66 member countries providing loans and technical assistance to its developing member countries with the overarching goal to reduce poverty in Asia and the Pacific and is guided by its charter.
Mr. Norberto J. Labsan is neither an existing nor a former ADB staff member or consultant to ADB and has not been appointed by ADB as Attorney-In-Fact. Neither Mr. Labsan nor NELFI have been involved in any ADB projects and ADB has no business dealings whatsoever with either of them.
Any powers of attorney, offers or contracts indicating ADB as buyer and stating Mr. Labsan as its representative are false and should be sent to ADB's Integrity Division at 6 ADB Avenue, Mandaluyong City, 1550 Metro Manila. Concerns regarding this matter or similar schemes may be sent to ADB's Integrity Division by email at integrity@adb.org.
Paalala ng Asian Development Bank ukol sa Property Scam na gumagamit sa pangalan ng ADB sa maling paraan
Naipabatid sa Asian Development Bank (ADB) ang isang potensyal na pandaraya tungkol sa mga lupain kung saan ang ADB ay sinasaad bilang isang korporasyong binuo at nabubuhay sa ilalim ng batas ng Pilipinas na kinakatawan ng isang Ginoong Norberto J. Labsan, ang sinasabing kinatawan ng North East (Hilagang Silangan) Luzon Foundation (NELFI).
Ang ADB ay hindi isang korporasyong sumasailalim sa batas ng Pilipinas, at hindi rin ito nagsasagawa ng mga transaksyong tungkol sa mga lupain. Ang ADB ay isang Multilateral Development Bank na pag-aari ng animnapu’t anim (66) na mga bansang miyembro nito, at nagtataguyod ng pagpapautang o tulong-pinansyal at tulong-teknikal sa mga miyembro nitong mga bansa na papaunlad pa lamang, sa layuning maibsan o mabawasan ang kahirapan sa Asya at Pasipiko, habang gabay ng isang charter.
Si Ginoong Norberto J. Labsan ay hindi isang empleyado o retiradong empleyado ng ADB, o kaya consultant sa ADB, at hindi pa ni minsang naatasan ng ADB bilang Attorney-In-Fact. Si Ginoong Labsan at ang NELFI kailanman ay hindi nakasali sa anumang proyekto ng ADB, at kailanman hindi nagkaroon ng transaksyon o usapang pang-negosyo sa ADB.
Anumang powers of attorney, pag-aalok or kontratang nagsasaad sa ADB bilang mamimili, at nagbabanggit kay Ginoong Labsan bilang kinatawan nito, ay hindi tunay at walang katotohanan, at dapat na ipagbigay alam kaagad sa Integrity Division ng ADB sa 6, ADB Avenue, Mandaluyong City, 1550 Metro Manila. Anumang bagay o pangyayari na nauukol o nahahawig sa ganitong pamamaraan ay maaaring ipadala o idulog sa Integrity Division ng ADB sa pamamagitan ng email sa integrity@adb.org.
